Translate

November 6, 2011

My Teacher, My Hero




Itong mga guro bayani ng ating bayan
Walang sawang nagtuturo sa ating kabataan
Upang makamit magandang kinabukasan
At maging pag-asa nitong bayang sinilangan

Kaya't ngayong umaga kami'y napakasaya
Sapagkat aming sasariwain
Katangian nitong mga gurong kaysisigla
lang ito kay gwapo't kay ganda pa.

Bakit di natin simulan kay Ginoong Ramos muna
Laki ng taong ito talagang kapuna-puna
Ngunit pagnagsalita puso mo'y mahahalina
Lambing nyang talagang mapapaamo ka

Sumunod kay Ginoong Ramos ay si Bb. Manuel naman
Sa kanyang oras ay puno ng katuturan
Sa kanyang galing ika'y di mapaparan
Tunay lamang na ika'y aming hinahangaan
Dahil nabighani mo kami sa taglay mong kagandahan

Tayo namang magbigay daan kay Bb. Juanillo
Na siya namang guro namin sa asignaturang Filipino
Kung wala ang turo nya wala rin ang tulang ito
At kung iyong makikita masasabi mong dalagang pilipina talaga

Natapos kay mam Juanillo Punta naman
      tayo sa recess
At pagkatapos ng recess susunod na si 
     mam Vasquez
Na sa galing magturo, A.P. nami'y gets na
     gets
At pag-ihawig mong sexy kayo'y magiging
     friend

Pagkalipas ng ilang oras susunod na si 
     mam Giwao
Na sa galing sa paienglish kami ay bow na 
     bow
At kapagtumalikod buhok niya'y sumusunod 
    sa galaw
Kaya naman mam Giwao ito ang aming sigaw P.E. P.E. P.E.
O ayan mam Giwao P.E. naman pagbigyan nyo raw

Dumako naman tayo kay Gng. Caliwara
Na sa galing magturo wala nang tatalo pa
At pag nagreporting opinion nya'y kuhang kuha
Mali mong sinabi kanyang maitatama ganyan kabait si Gng. Caliwara

Kami'y napakasaya at mag-uuwian na
Ngunit, hintay saglit lamang

May nakalimutan pa
Si Gng. Lucero guro namin sa Siyensa
Hindi lang sa Siyensa sa
Reporting ay gagaling ka pa

Kaya naman sa huling
Mensahe isa lang ang aming nasasabi
Nais naming isigaw
Sa inyong lahat ang salitang


Salamat, salamat, salamat
Sa walang sawang
Pagtuturo at paglilingkod
Sa bayan ng tapat

Alam namin ang mga salitang
Ito'y hindi sapat
Ngunit sana'y madama ninyo
Ang lubos naming pagpapasalamat


No comments:

Post a Comment