Translate

October 15, 2012

My Teacher, My Hero by Marimar G. Corañez


Taon na nga ang ating  pinagsamahan
marami-rami na din ang ating napagdaanan
mga tawanan at ang ating mga kulitan
kung minsan pa nga'y kami inyong kinagagalitan

Sa kabila nito'y may nais kaming sabihin
dalawang salitang nais naming sambitin
sikapin man nami'y likas na mahiyain
“Salamat” at “Patawad”, oh kay hirap bigkasin

Marami pong salamat sa inyong mga turo
at walang sawang pag-saway upang kami'y matuto
kapag kami'y may problema laging nariyan ang inyong payo
kahit na nga ang iba dito'y kalokohan nalang ninyo

Patawarin niyo po kami, kung kami ay maingay
at kung sa inyo kami'y masyadong pasaway
kung minsan pa nga di maiwasan ang away
kaya ang tulang ito'y sa inyo aming alay

kayo ang aming gabay at ang aming patnubay
ang aming “ikalawang tatay at nanay”
at itong paaralan ang siyang pangalawang bahay
nagbibigay pag-asa sa aming mga buhay
Di nyo man kasing “sexy” si “catwoman”
O kasing “macho” ni “superman”
wala man kayong natatanging kapangyarihan
kayo pa rin ang “hero” namin kailanman

No comments:

Post a Comment